Ang Good Manners and Right Conduct at Values Education (GMRC at VE) ay isang pangunahing asignatura (core subject) sa
Programa ng Batayang Edukasyon ng K to 12 ayon sa Republic Act No. 11476, ang GMRC and Values Education Act.
Ang Good Manners and Right Conduct (GMRC) o Kabutihang Asal at Wastong Pag-uugali ay tumutukoy sa tiyak at partikular
na tinatanggap na mga batayang panlipunang pagpapahalaga, etiketa, at/ o tamang paraan ng pag-uugali na nagpapahayag ng
paggalang sa mga taong nakakasalamuha. Samantalang ang Values Education (VE) o Edukasyon sa Pagpapahalaga ay tumutukoy
sa proseso na nagbibigay ng pag-internalisa ng mga pagpapahalaga sa mga kabataan na naglalayong matuto ang mga mag-aaral ng
mga etikal na saligan ng mga prinsipyo, kasama ang kakayahang kumilos batay sa mga prinsipyong ito, at ang napatibay na
disposisyon na gawin ito.
Ituturo ang GMRC sa mga mag-aaral sa Baitang 1 hanggang 6 bilang pangunahing asignatura at integrated din ito sa
Kindergarten. Ang Values Education naman ay ituturo sa mga mag-aaral sa Baitang 7 hanggang 10 bilang pangunahing asignatura
rin, samantalang integrated sa mga baitang na ito ang pagtuturo ng GMRC. Ang time allotment ay kapareho/magkatulad ng ibang
pangunahing asignatura (Section 4, RA 11476).
- Teacher: Admin User